“palengke”

bahay na bato
sa biak na bato
nakapulot ako ng piso.

pobreng galante
bayad muna bago baba
baka ka madapa.

maka puno, uhaw na uhaw
pagdating ay di maubos.
natawa ang bastos.

‘gitarang maliit lang ale,
di kasya ang kandila.’
sunog ay nakakasawa.

basta’t may usok pa..
basta’t kulay pula
mayroon pang ligaya..

maliit na pamaypay
nauubos ang pasensiya
kulang na ang aking pera

gulay gulay
para sa patay
piso’y di sapat

alas ocho na
tangena–
tara’t makauwi na

palengke, palengke
isang kanto sa tabi
wala nakong masabi.

Leave a Reply