timelock

May 29th, 2008 by whomadeabooboo

enchain my wanting body
this love for you
eclipses my senses,
renders me frozen
flux with me in this turbulent liaison
dont survey the land
as ashes dematerialize in our nexus
together, we mutate from this blank

ticking through this familiar room,
i tear my timelock to pieces
Anger benumbs but compassion yields
to cleave my innocent reality
Impose on me the chain and whip
with surreal pumps of this brain
Needles swallow us to valleys of Elysium
Chorus of your name inside my head

Goodnight, my solemn waste
You are the symptom of my purpose
I am you prisoner, behold
A fly to your curse forever.

the cell.

May 29th, 2008 by whomadeabooboo

one bed.
one lamp.
one irinola.

ginisa

December 18th, 2007 by whomadeabooboo

ang sibuyas.
ang sibuyas ay malupet.
busog sa pera, sa salita
hinog sa atensyon
na inaagaw nito sa
mumunting kamatis.
pulang kamatis.
pula sa labas
ngunit sa loob ay hilaw.
maasim at hilaw.
pagkahilaw na dulot
ng mantikang palutang lutang
at walang pakealam
kundi palubutan lamang ang sibuyas
ang sibuyas na malupet.

ang sibuyas ay malupet.
ang katas nito’y subukan langhapin
at epekto’y luhang mahapdi.
maanghang at mahapdi.
sa bawat singhot
nanunuot ang pait
na mapanikip sa hininga.
hanggat susuko nalang at iiyak
sa santabing
madilim.
malamig at madilim.
ngunit puno ng mga diablong sa ngiti’y
kumikinang sa yaman
na tulad din ng sibuyas na malupet.

ang sibuyas ay malupet.
duyan ng luho
at sukdulan ng inis.
ng atensyon. atensyon. atensyon.
oras ay mas matimbang
at ang ipamuka ito’y
hindi kasalanan.
kabiguan.
ngunit hindi kasalanan.
may bahid ng nakaw sa pansin
hintayin mo’t sisindihan na
ang apoy na galing sa posporo.
gigisahin kita, sibuyas.
dahil hindi ko kayang higitan ang kalupetan mo.

bleed

November 15th, 2007 by whomadeabooboo

i bleed tears.
The crimson drops
stain the soft tissue.
Little by little–
With every drop
serving to express
the pain, the frustration
but never to cease it.

i bleed tears.
Tears i could never
shed through my eyes;
eyes of sorrow
eyes of hurt
and disappointment
but apathy.
but indifference.

i bleed tears.
When no mouth
dares to speak
without shame.
When the silence
sinks in deeper
blurry and weak,
into the troubled soul.

i bleed tears.
For you i bleed tears.
I cut my own flesh
to bleed.
For you I feel.
For you I live.
For you I bleed.

kape

September 21st, 2007 by whomadeabooboo

isang taon.
kay rami nga namang nagbago.
mula sa gupit ng buhok,
sa size ng pantalon,
sa paboritong kulay
sa paglipat ng tirahan
hanggang sa grupong kinakasama.
mga pilosopiyang nagbago
–binago ng mga araw na
tila ipo-ipo kung magdaan.
malakas ang hangin.
kailangang magbago.
kailangan ding tumakbo pag walang payong
pero ‘wag ngayon,
‘wag ngayon.
kung dati’y nahihiyang umupo sa sahig
ngayo’y nakahilata’t nakahiga pa.
tunay nga namang nawalan na ng upos
at maliit na usok na lamang ng kandila ang natira.
sino ba naman ang mag-aakalang
dito rin pala ang hantong ng isang magiting na mandirigma–
napapagod rin pala.
kala dati’y mahiwaga
ngunit ngayon ay takot na ring sumabak sa nanunugat na butil ng ulan
nais mabasa–
ngunit takot mapaliguan ng dungis ng mga luha
ng kasalanang sa tubig ay nakiisang anyo na rin
wala na nga,
wala na nga.
wala na siya.
hindi na tulad ng dating kahit bagyo pa man ang kalaba’y
patuloy ang pagsugod.
hindi na tulad ng dating kahit inaasahang marupok na ay
lalaban pa rin.
wala nang ibang magawa.
kundi ang umupo dito.
at magintay.
maghintay na patawarin ng ulang may kapangyarihan.
kapangyarihang burahin ang naisulat
sa papel na tumutulo ng buhay na nagdaan.
wala na ngang magagawa.
kundi maghintay.
hanggat tumahan ang pagbuhos.
sa aking pagninilay ngayon ay napagtanto
pano pag naubos na ang kape,
patuloy pa rin bang
maghihintay
hanggang tumigil ang ulan?

kabit

September 3rd, 2007 by whomadeabooboo

nakita ko ang kanyang mukha
ang kanyang mata
ang kanyang ngiti
na iyong dulot sa kanya..

ikaw na lalaki
na minsa’y naging sandalan
kanyang tanging kanlungan
kanyang ilaw sa dilim;
ikaw–
ikaw ang kanyang pangarap,
ang kanyang pag-asa,
kanyang pag-ibig.
hindi mo ba pansin
ang kanyang mga luha
pait sa kanyang puso
pagdurugo–
hapdi sa sikmura’t
paos na kalamnan
tila isdang nasa ere
animo nawalan ng hininga.
nagbubulag bulagan
nang hindi na masisi..

at ako–
ako na babaeng
tila walang pakialam
dumaraan lang na parang hangin
ngunit habagat kung manira
parang lason sa ugat
dumadaloy na parang dugo
unti unting kumakatas
unti unting nanunuot
hanggat manuyot
nang di namamalayan..

takot ako sa iyo.
ang muhka mo’y tila multo
multong bumabangungot
sa konsensyang pilit kong iniisantabi
ang mga ngiti mo’y
tumatagos sa aking kaluluwa
kung may nananatili pa nga ba.
sa iyong mga mata
ako’y nadudurog
narurupok
ang katauhan ko’y nabubulok
at ang puso, naaagnas.

patawad..
hiling kong bawiin
ang kahibangang ito
subalit..
tulad mo
siya rin ang aking pangarap.
tulad mo
ako rin ay tao.
patawad..

pikit

September 3rd, 2007 by whomadeabooboo

ang init ng patay na bentilador
saliw sa init ng iyong katawan
na siyang patibong sa akin
wala na ang mabangis na bukas
pagkat ibig ko lama’y manatili
sa madilim na apat na sulok
ng kuwartong iyong hawla.
gumagalaw ang oras
alas tres, alas kwatro, alas singko.
ang mundo’y tulog sa tahimik
at payapang kalawakan.
masdan mo ang mga tao
lumalagok sa baso ng pangarap
ng panaginip, ng alak ng pag-asa.
di mo ba ibig ni minsang umalis
nang makawala sa madilim
na pagkakatali sa kanya?
iwan mo ang lahat, huwag mangamba
bumitiw lamang at may sasalo
hayaang pumikit at kahit madilim
maaring may hiwagang babalot.
may kamay na naghihintay kalasin
ang posas na kinakalawang na.
magpahinga, itigil na ang pag-iisip
ang mga butil ng pawis ay
mawawala ring saglit.
minsan kailangan ding pumikit
para makatulog.

antidote

August 23rd, 2007 by whomadeabooboo

used to sleep like an angel
waiting for a cry in heaven
morning clipped its wings
he could never fly again.

chose to be swallowed
from underneath the black waters
consult the mourning dreams
with fountain of horrors

dark moon waning blue
in summer skies half empty;
bitter with sweet expectations
thoughts in rapt solitary.

insult from blindness
or maybe stirred away
left alone in dark sorrows
seek for the dusk someday

meditation in the soft wind,
though it might be a sin..
unveiling in the mirror,
it bends invisibly within.

to see me, i wish him not
could just stay in this cavity
only dream of one desire
for this written tragedy:

perceive some kind of antidote
for the agony that lies
in the soft sky that moves
in fusion with his eyes..

sipilyo

August 16th, 2007 by whomadeabooboo

sinira ko ang gate nyo
wala pang dalang sipilyo
nakigamit na nga ng banyo
nakitulog pa sa kwarto.
ngunit….
madilim ang ilaw.
wala na ang araw.
nasa ‘yong tabi.
makakatulog nako ngayong gabi.
pasensiya sa istorbo,
nandito nanaman ako
painom ng tubig sa gripo,
di bale nang magtae siguro.
onting tagay pa
masasabi ko nang mahal kita
pero teka wag muna
baka kasi mailang ka..
aalis na ba ngayon?
punta na ba ko dun?
parang ayaw ko pa magpaalam
parang wala nakong pakialam..
bagal mo ipasa
lukot na yang baraha
talo nanaman ako
bangag narin sayo..
kanta lang nang kanta
ingat nga lang sa disgrasya
baka magunaw ang mundo
sa utot mong sintunado
kala mo lasing na?
medyo hindi pa..
ganda lang kasi ng ngiti mo
para bang natutunaw nako..
pakshet umaga na
lagot ako sa aking ina.
ngunit… di bale na
nakasama naman kita.
tama na yang mga pangamba.
tama na yang mga pagdududa.
masaya nako.
kahit walang sipilyo.

incubus

August 16th, 2007 by whomadeabooboo

you possess me
you have me
you control me
i belong to you.

you hold me captive
built me a prison
and now i cant–
cant breathe.

such a god
such a demon
a fallen angel
you stole my will

havent you had enough?
asking me all these questions
when you fucking know
all the fucking answers

whispers creep down my skin
you’re using me
you’re playing with me
i know you’re laughing at me

im losing my soul
please dont burn me
have pity
but dont let go..
dont let go..

for in this prison
in this helplessness
in all this slavery
you are free to take me
i am yours..